PAGASA: Maaaring maapektuhan ng Mawar ang Northern Luzon sa Linggo o Lunes

vivapinas05242023-127

vivapinas05242023-127Bagama’t hindi inaasahang magla-landfall batay sa kasalukuyang track, maaaring maapektuhan ng Bagyong Mawar ang ilang bahagi ng bansa, partikular ang Northern Luzon sa Linggo o Lunes, sinabi ng PAGASA senior weather specialist na si Chris Perez.

“Bagamat malayo ang sentro kung i-consider na 300km radius at pwede pang mas malawak. Possibly by Sunday or Monday may ilang areas ng Northern Luzon na makakaranas ng epekto,” Perez said.

Ayon sa ulat, posibleng mabawi ni Mawar ang kanyang super typhoon strength habang papalapit ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

“In next 12 hours pero hindi niru-rule out na posible pa itong lumakas into supertyphoon. Bakit? Malawak pa ang karagatang tatahakin nito, posibleng ‘yung mainit na sea surface temperature ay makakadagdag pa sa enerhiya,” sinabi ng PAGASA.

“Kung magpapatuloy ang bagyo as forecast at sa periphery lang then we’re looking at possibly moderate to rough sea condition,” dagdag ni Perez.

Sinabi pa ng PAGASA na mababa ang posibilidad na makaranas ang bansa ng storm surge ngunit ang tropical cyclone ay maaaring magpalakas ng Southwest Monsoon at magdala ng monsoon rains sa Western Visayas at Southern Luzon.

Naglabas ang state weather bureau ng general flood advisory sa MIMAROPA, Zamboanga Region, Davao Region, Bangsamoro Region, at Cordillera Administrative Region bilang paghahanda sa Mawar.

Sinabi ng weather specialist ng PAGASA na si Patrick del Mundo na maaaring pukawin ng Bagyong Mawar ang hanging habagat at mag-udyok ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao.

Sinabi rin ni Del Mundo na maaaring itaas ang Storm Signal Number 3 sa extreme Northern Luzon sa pagpasok ng tropical cyclone sa PAR.

“Bagama’t wala itong magiging epekto sa iba pang bahagi ng bansa, hihilahin naman nito ang southwesterly surface wind flow na maaaring magpaulan sa western sections ng Luzon, at buong Visayas at Mindanao,” sinabi sa panayam ng Viva Pinas Online.

“Maaari rin itong maghudyat ng pagsisimula nang tag-ulan sa ating bansa,” sinabi niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *