Site icon Viva Pinas

Pambansang Dambana ni Padre Pio sa Batangas bukas sa mga Evacuees

Para po sa mga nagnanais nag mag-donate ng lutong pagkain, mangyaring makipag-ugnayan po lamang kay Sister Elsa Libuit: 0916-270-0928 or 0916-367-3608. Maraming Salamat po. Ang aming bagong kuraparoko po ay si Rev. Fr. Oscar L. Andal.

Binuksan ang Pambansang Dambana ni Padre Pio sa mga nasalanta ng pagputok ng bulkang Taal sa Batangas.

Ilang pamilya ang pansamantalang nasa Divine Mercy Sanctuary for Pilgrims ng naturang simbahan matapos silang maapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal.

Ayon sa Facebook page ng simbahan, tumatanggap na rin ito ng donasyon para sa mga apektadong pamilya.

Ang mga tulong na kailangan ng mga naapektuhang pamilya ay tsinelas, kumot, banig/kutson, unan, toothbrush, sanitary napkin, adult at baby diaper (M, L, XL) at bagong underwear.

Exit mobile version