Pansamantalang isasara ang ilang kalsada sa Ortigas Center, Pasig City sa Linggo, Marso 20, 2022, dahil sa political rally, ayon sa MMDA.
Kabilang dito ang Emerald Avenue at F. Ortigas Road.
Naglabas ang Metropolitan Manila Development Authority ng advisory nitong Sabado para sa mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta dahil sa nasabing kaganapan.
A political rally will take place at the Ortigas Center in Pasig City tomorrow, March 20. Movement of participants is expected to start at 11am, while the activity is expected to finish by 8pm. Affected areas: Ortigas Ave., Emerald Ave., Meralco Avenue, EDSA-Ortigas Ave.#mmda pic.twitter.com/qQlT4OdTTA
— Official MMDA (@MMDA) March 19, 2022
“May political rally na magaganap sa Ortigas Center sa Pasig City bukas, March 20. Ang paggalaw ng mga kalahok ay inaasahang magsisimula ng 11am, habang ang aktibidad ay inaasahang matatapos ng 8pm. Mga apektadong lugar: Ortigas Ave., Emerald Ave., Meralco Avenue, EDSA-Ortigas Ave.#mmda,” sabi ng MMDA sa isang tweet.
“Pinapayuhan ang mga motorista na iwasan ang rally site at ang mga nakapaligid na lugar nito; at kumuha ng mga alternatibong ruta upang maiwasan ang abala,” dagdag nito.
Ang presidential candidate at incumbent Vice President Leni Robredo ay nakatakdang magdaos ng people’s rally sa Emerald Avenue sa ganap na 6:50 p.m., ngunit magsisimula ang pre-program ng 3:30 p.m., ayon sa kanyang kampo.