“She was so close,” sambit ng host na si Martin Fitch pagtukoy kay Pauline Amelinckx, ang pambato ng Pilipinas sa Miss Supranational 2023 pageant.
Itinanghal na first runner-up si Pauline sa makapigil hiningang announcement ng grand winner ng international pageant.
Hindi naitago ni Pauline ang pagiging emosyonal na halatang inasahan ng marami mag-uuwi ng korona.
Itinanghal na winner si Andrea Aguilera ng Ecuador.
Samantala, narito naman ang iba pang runners-up sa 14th Miss Supranational ngayong taon:
2nd runner-up – Sancler Frantz (Brazil)
3rd runner-up – Emma Rose Collingridge (United Kingdom)
4th runner-up – Ngân Ðang Thanh (Vietnam)
Ang nagpasa ng korona ay si Lalela Mswane ng South Africa.
Si Lalela ay naging second runner-up sa Miss Universe 2021 pageant.
Unang tinawag ang Top 24 semi-finalists. Narito ang mga kandidatang nakapasok:
Curacao, Pilipinas, Zimbabwe, Brazil, Malaysia, Colombia, Spain, Botswana, Poland, Puerto Rico, Netherlands, Mexico, Indonesia, Ecuador, Gibraltar, South Africa, Venezuela, Vietnam, United Kingdom, Dominican Republic, Thailand, Peru, El Salvador , India