Pinalawak ng Diyosesis ng Cubao ang kapistahan ng Ina ng Santo Rosaryo La Naval de Manila sa buong parokya at kapilya nito

vivafilipinas09082023-83

vivafilipinas09082023-83HINDI na limitado sa Santo Domingo Church sa Quezon Ave., Quezon City ang kapistahan ng Our Lady of the Most Holy Rosary of La Naval de Manila sa ikalawang Linggo ng Oktubre.

ipinag-utos ng Diyosesis ng Cubao ang pagpapalawak ng Solemnity of the Our Lady of the Holy Rosary of La Naval de Manila sa lahat ng mga parokya at kapilya nito.

Sa isang Deklarasyon, sinabi ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco na sakop na ngayon ng kapistahan ng Our Lady of the Holy Rosary of La Naval de Manila ang kabuuan ng Diyosesis ng Cubao.

“Ang Solemnidad ay dapat isagawa sa lahat ng parokya at kapilya simula ngayong taon alinsunod sa deklarasyon ni Pope Paul VI at sa liturgical norms ng Simbahan,” ani Ongtioco.

Nangangahulugan ito na dapat sundin ng lahat ng komunidad ang lahat ng pamantayan at alituntunin sa pagsasagawa ng debosyon sa Patroness ng Quezon City.

“Ang lahat ay hinihikayat din na isulong ang debosyon at isabuhay ang mga birtud ng Mahal na Birheng Maria na naghahatid sa atin na mas mapalapit sa kanyang Anak, si Hesus na ating Panginoon,” dagdag ni Ongtioco.

Mula noong 1646, ang ikalawang Linggo ng Oktubre ay taunang ipinagdiriwang bilang parangal sa Our Lady of the Most Holy Rosary of La Naval de Manila.

Ang estatwa ay iniluklok sa Santo Domingo Church sa Quezon City noong Oktubre 1954 at mula noon ay nagsilbing tahanan nito.

Noong Agosto 26, 1974, idineklara ni Pope Paul VI ang Mahal na Birheng Maria ng Rosaryo ng La Naval bilang Principal Patroness ng Quezon City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *