EILAT, ISRAEL – Ramdam agad ang energy ng fans nang maaga silang magkumpulan sa labas ng Universe Arena, Port of Eilat para sa preliminary competition ng Miss Universe.
Alam nilang mahalaga ang bahaging ito ng pageant kaya all-out ang kanilang suporta sa mga kandidata. Hindi naman magpapahuli ang Pinoy supporters na kapansin-pansin ang dami kumpara sa dumalo sa national costume show ngayon Biyernes.
Ayon kay Jonas Gaffud mula sa kampo ng pambato ng Pilipinas, all-set na si Beatrice Luigi Gomez na magpakitang-gilas.
Mala-bagang apoy ang gown ang inirampang gown ni Gomez, na gawa ni Francis Libiran. Tinernuhan ito ng hikaw na may tig-4-carat yellow diamond. In 18 carat-gold na gawa ni Drake Ibay.
Ayon sa fans, angat ang Asian beauties gaya ng Thailand, Myanmar, Laos, India, Nepal, and Philippines.
Hindi rin nagpahuli ang Latinas mula Puerto Rico, Colombia, at Peru. Pero dark horse para sa kanila sina Curacao at Jamaica.
Masaya naman ang mga Pinoy supporter na nanood sa performance ni Gomez.
You're perfect, you're beautiful, you are #BeatriceLuigiGomez, you are #MissUniverse pic.twitter.com/PlR3YCjsg9
— Melzky Garcia ????️???? (@iamMelzkyGarcia) December 10, 2021
What an eye-catching, audacious and striking look. Luigi proves that she has something to offer. She always execute a phenomenal aura and incandesce charisma. Laban Pilipinas!
BeatriceFor The5thCrown#MissUniverse#GoMezUniverse#MissUniverse2021#BeatriceLuigiGomez pic.twitter.com/AhlZjG9Xml
— DANA???? (@ChasteDana) December 10, 2021
BEA GOMEZ BOLD AND FEISTY IN FRANCIS LIBIRAN for the preliminary competition.
Intricately embellished with fine embroidery and beadwork, the dress symbolizes the country’s optimism and fighting spirit.#MissUniverse #GoMezUniverse #BeatriceLuigiGomez pic.twitter.com/PXkoV1VJVo
— Dyan Castillejo (@DYANCASTILLEJO) December 10, 2021
Para makaabante sa semi-finals, pagsasamahin ang scores ng mga hurado base sa performance ng candidates sa closed-door interview, swimsuit, at long gown performance.
Nag-tape na rin ng kanilang opening number ang mga kandidata at magpapahinga ng hanggang gabi ng Linggo.
Lunes ng umaga sa Pilipinas malalaman kung sino ang mag-uuwi ng korona.