Inanunsyo ng Facebook page ng David’s Salon ang pagpanaw ni David Charlton, na ibinahagi ng kanyang anak at Creative Director ng David’s Salon na si Laura Charlton.
Ayon sa post ng David’s Salon, magsisimula ang viewing sa Oktubre 30, alas-2 ng hapon. Ang huling misa ay gaganapin sa Nobyembre 3, alas-1 ng hapon, sa The Chapels Heritage Park Taguig.
Si Charlton ay isinilang sa Suderland, Tyne and Wear, England noong 1955. Dumating siya sa Pilipinas noong 1978 at itinatag ang David’s Salon noong 1989. Ngayon, mayroon na itong mahigit 200 sangay sa buong bansa.