Pumanaw na si Bishop Joseph Nacua, ang dating Obispo ng Ilagan

306097753_2981337178833156_299701935345477058_n

306097753_2981337178833156_299701935345477058_nMANILA — Namatay noong Martes ang dating  Obispo ng  Ilagan ma si Joseph Nacua, Siya ay 78.

Ayon sa artikulong nai-post sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) news website, namatay ang dating pinuno ng Ilagan diocese sa Isabela  kaninang tanghali ng Martes.

Isinugod siya sa isang Hospital noong nakaraang Miyerkules at na-coma sa intensive care unit hanggang sa kanyang kamatayan.

Noong 2015, na-stroke si Nacua at naospital. Sa edad na 72, mas bata siya ng tatlong taon kaysa sa edad kung saan ang mga obispo ay kinakailangan ng canon law na isumite ang kanilang pagbibitiw sa papa.

Si Nacua ang kauna-unahang misyonero ng Capuchin sa bansa na hinirang na obispo noong Hunyo 2008. Naglingkod siya sa diyosesis ng Ilagan na may mahigit 1.8 milyong Katoliko sa loob ng halos siyam na taon.

Hinirang ng Vatican si Bishop Joseph Amangi Nacua na maging Obispo ng Diyosesis ng Ilagan sa probinsiya ng Isabela noong September 09, 2008. Pumanaw siya sa edad na 78.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *