Rebulto ni Birheng Maria ay hindi napinsala ng malakas na lindol matapos gumuho ang katedral na tumama sa Turkey at Syria

vivapinas02112023-28

vivapinas02112023-28Hindi ginalaw ang isang rebulto ng Birheng Maria matapos gumuho ang katedral na kinatitirikan nito sa 7.8-magnitude na lindol na tumama sa Turkey at Syria.

Ibinahagi ng Turkish Jesuit priest na si Father Antuan Ilgit ang larawan sa isang post sa Facebook ilang sandali matapos ang kalamidad.

“Ang imahe ng Mahal na Birhen ay hindi man lang napinsala, nabasag o nadurog  sa lindol na nagpabagsak sa Annunciation Cathedral sa lungsod ng Alexandretta sa Turkish province ng Hatay,” isinulat niya, ayon sa Catholic News Agency.

“Ang imaheng ito ang magiging lakas natin at kasama niya, haharapin natin ang lahat,” dagdag niya. “Patuloy kaming nagtitiwala sa Diyos at sa kanyang banal na paglalaan,” dagdag niya.

Noong Biyernes, kinumpirma ng embahada ng Pilipinas na dalawang Pilipino ang nasawi sa lindol sa Turkey. – VIVAPINAS.COM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *