MANILA, Philippines — Nagsama-sama ang mga presidential aspirants na sina Vice President Leni Robredo at Senator Manny Pacquiao para magbigay ng tulong sa mga naapektuhan ng Bagyong Odette.
Ang team-up ay nangyari matapos umapela si Pacquiao sa kanyang mga kapwa presidential aspirants na “isantabi ang lahat ng pulitika at pagsama-samahin ang lahat ng ating resources para matulungan ang ating mga kapwa Pilipino sa Visayas at Mindanao” na naapektuhan ng bagyo.
“I appeal to my fellow candidates, VP Leni Robredo, Bongbong Marcos, Mayor Isko Moreno Domagoso, Senator Ping Lacson, Ka Leody, that due to the devastation of typhoon Odette that we set aside all politics and join together all our resources to help our fellow Filipinos in Visayas and Mindanao,”sinabi niya sa kanyang Facebook at Twitter.
“Magsama-sama tayo para tulungan ang ating mga kababayan na nasalanta ng bagyo. Ngayon na ang oras upang magsama-sama bilang isa. Tulungan natin sila,”
#OdettePH pic.twitter.com/SZS0l8OKeX
— Manny Pacquiao (@MannyPacquiao) December 16, 2021
Sa Twitter, sinabi ni Robredo na pinakikinggan niya ang panawagan ni Pacquiao.
“Joining you in this call, Sen. Manny… Our team will get in touch with yours,” sinabi ni Robredo.
“Thank you VP Leni. Let’s begin coordinating our efforts, we already prepared cargo lanes so we can mobilize and respond quickly,” sagot ni Pacquiao.
Batay sa 5:00 am bulletin ng state weather bureau, ang sentro ng Odette ay nasa 75 kilometro timog-kanluran ng Iloilo City kaninang 4:00 ng umaga Medyo humina ang bagyo kahit na taglay pa rin nito ang maximum sustained winds na 155 km per hour (kph). at pagbugsong aabot sa 235 kph habang kumikilos pakanluran sa bilis na 35 kph.