MANILA, Philippines – Save the date, Filipino K-pop fans!
Noong Lunes, Agosto 14, kinumpirma si Sandara Park at ilang K-pop artist na mag-headline sa music festival Awake: A New Beginning in Cebu City.
Ayon sa organizer ng Mark Entertainment and Events, tampok din sa one-night show ang mga K-pop group na AB61X, VIVIZ, at YOUNITE.
Bahagi rin ng event ang Korean dance crew na 1 MILLION at MB Crew.
Nakatakda ang concert sa September 23, sa City di Mare, Cebu City.
Ang mga tiket ay mula P2,000 hanggang P8,000.