Sen. Bato, Binatikos Matapos ang ‘Insensitive’ na Pahayag sa Stroke Survivors, Humingi ng Paumanhin!

vivapinas09022025_1

vivapinas09022025_1Umani ng matinding batikos si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa matapos ang kanyang mapanirang komento laban kay Akbayan Party-list Representative Perci Cendaña, isang stroke survivor.

Sa isang pahayag, sinabi ni Dela Rosa na susuntukin niya si Cendaña upang “mapantay ang mukha nito,” matapos pangunahan ng kongresista ang unang impeachment complaint laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte.

Nilinaw naman ni Cendaña na hindi pantay ang kanyang mukha dahil sa stroke na kanyang pinagdaanan. Sa isang Facebook post, sinabi niya:
“‘TABINGI ANG MUKHA’ ko dahil ang ‘BAKLANG NGIWI’ na ito ay stroke survivor. Yakap na mahigpit sa mga kapwa ko stroke survivor.”

Kasabay nito, hinamon din ni Cendaña si Dela Rosa na ipakita ang parehong tapang sa pagtutol sa agresibong aksyon ng China sa West Philippine Sea at sa pagharap sa International Criminal Court (ICC), na nagsasagawa ng imbestigasyon sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

Matapos ang matinding kritisismo, naglabas ng pahayag si Dela Rosa noong Linggo at humingi ng paumanhin sa kanyang mga nasabi.
“I apologize for what I said and did, particularly in failing to see the bigger picture. My apologies to Congressman Perci Cendaña for my offensive comments on his person. I wish him good health,” ani ng senador.

Tinanggap naman ni Cendaña ang paghingi ng tawad ng senador ngunit iginiit na dapat din itong iabot sa lahat ng stroke survivors na naapektuhan ng kanyang pahayag.
“Hindi tayo balat sibuyas, pero ibang usapan when a public servant of such high position uses his voice to threaten people with violence and discriminate against people with health concerns,” pahayag ni Cendaña.

Samantala, tuloy ang impeachment case ni VP Sara Duterte sa Senado matapos itong sertipikahan ng Kamara noong Miyerkules. Gayunpaman, hindi pa ito tatalakayin hanggang sa pagbubukas muli ng sesyon sa Hunyo, matapos ang eleksyon sa Mayo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *