Shamcey Supsup-Lee Kumalas sa DisCAYA: Prinsipyo o Pulitika?

Pasig City — Umalis na si Arkitekta Shamcey Supsup-Lee sa Team DisCAYA at pormal nang inanunsyo ang kanyang pagtakbo bilang independenteng kandidato para sa Konsehal ng Unang Distrito ng Pasig.

Sa inilabas niyang official statement, sinabi niyang ginawa ang desisyon “with deep respect and after much reflection,” at binigyang-diin ang kahalagahan ng dignity, respect, accountability, and women empowerment sa kanyang paninindigan bilang isang babae, ina, at lider.

Bagama’t walang binanggit na detalye kung bakit siya umalis, tila may ipinahihiwatig si Supsup-Lee ng hindi pagkakapareho ng prinsipyo sa loob ng grupo. Sa pahayag pa niya, sinabi niyang “This is not a decision made lightly, but in alignment with my principles,” — dahilan para lumakas ang espekulasyon ng tensyon o hindi pagkakaunawaan sa DisCAYA.

Nagpasalamat pa rin siya sa oportunidad at nagpaabot ng best wishes sa dating grupo, pero malinaw: tuloy ang laban, mag-isa man.

Ngayon ay pursigido siyang tumakbo bilang independent candidate, bitbit ang sariling pangalan, integridad, at advokasiya para sa kababaihan.

May be an image of 1 person and text that says 'OFFICIAL STATEMENT Resignation Architect Shamcey Supsup-Lee With deep respect and after much reflection, have decided to resign from KAYA THIS. As woman, a mother, and a leader, believe in staying true to the values that define me dignity, respect, accountability, and women empowerment. This not decision made lightly, but in alignment with my principles. remain grateful for the opportunity and extend my best wishes to the team. integrity purpose. Architect Shamcey Supsup-Lee |Architect Advocate Architect SHAMCEY Supsup-Lee for CITY COUNCILOR Pasig, District 7 SHAMCEY SUPSUP RESIGNS FROM PASIG PINAS POLITICAL PARTY OVER SOLO PARENT REMARK NOW PinasNowUpdates'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *