“Kung iniisip ng mga Ilonggo na karapat-dapat siya, bakit hindi?”
Ito ang reaksyon ni Mayor Jerry Treñas sa impormasyong kinokonsidera ng Iloilo City na ideklarang persona non grata ang social media personality na si Jam Magno.
Si Jam Magno ang kilala na kritiko sang Ilongga beauty queen nga si Miss Universe-Philippines 2020 Rabiya Mateo. Siya ay isang pro-government influencer at panatiko ng Pangulo.
Ang persona non grata ay isang Latin phrase na ang ibig sabihin “unwelcome person”. Ang pagdeklararang persona non grata ay isang batas sa 1961 Vienna Convention sa Diplomatikong Relasyon.
Base sa DILG Opinyon blg. 30 series of 2020, ang pagdeklarang persona non-grata ay ginagawa sa sanggunian sa panglungsod sa pamamagitan ng pagpasa ng isang resolusyon.
Maaaring makapasa sang resolusyon na nagdeklararang persona non grata ang mga lokal na sanggunian base sa isang resolusyon ng pagpapanatili ng sentimyento ng isang legislative body.