#SONA2023: Rodrigo Duterte hindi dadalo sa 2nd Sona ni Marcos, sabi ni Go

vivapinas07242023-240
vivapinas07242023-240
Bumisita si dating Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping sa Beijing. Sinabi ni Duterte na pinasalamatan niya ang pinuno ng China sa suporta niya at ng kanyang bansa sa panahon ng kanyang administrasyon. (Photo courtesy of HUA CHUNYING, spokesperson of Chinese foreign ministry)

MANILA, Philippines — Hindi dadalo si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ikalawang State of the Nation Address (Sona) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes, ani Senador Bong Go.

Nauna nang sinabi ni House of Representatives Secretary General Reginald Velasco na kabilang si Duterte sa mga kumpirmadong special guest na personal na makikinig sa Sona ni Marcos sa Batasang Pambansa.

Sinabi ni Go, na matagal nang aide ni Duterte, na aabsent siya sa event.

“Hindi ako sigurado. I think nanggaling siya sa China. Siya ay medyo pagod. Nasa Davao siya,” Sinabi ni Go sa mga mamahayag bago magsimula ang Senado  sa kanilang ilalawang regular session of the 19th Congress.

Gumawa ng balita si Duterte noong nakaraang linggo sa pamamagitan ng pagbisita kay Chinese President Xi Jinping sa Beijing, sa kabila ng walang humpay na pananalakay ng China laban sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas sa West Philippine Sea, isang pinagtatalunang daluyan ng tubig sa loob ng exclusive economic zone ng bansa.

Kahit na hindi sumang-ayon ang China sa desisyon ng 2016 Permanent Court of Arbitration, naging malapit si Duterte at ang Chinese leader noong panahon niya bilang pangulo.

Nagdesisyon ang Korte laban sa malawakang pag-angkin ng Beijing sa South China Sea.

Tinukoy ni Duterte ang landmark na desisyon bilang isang “piraso ng papel” na maaaring itapon.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *