Inilagay ni Marcos ang apat na rehiyong tinamaan ng Paeng sa ilalim ng state of calamity
Isinailalim ng gobyerno ng Pilipinas nitong Miyerkules ang ilang rehiyon sa state of calamity kasunod ng pananalasa ng Severe Tropical Storm Paeng. Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Proclamation No. 84 na nagdedeklara ng state of calamity sa Rehiyon IV-A (Calabarzon), V (Bicol), VI (Western Visayas), at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao…