Binubura ng Google, YouTube ang mga nagpapakalat ng mga maling impormasyon at pekeng balita
MAYNILA – Pinaigting ng Google at ng video streaming platform nito na YouTube ang mga pagsisikap na mapalakas ang pamamahagi ng kapani-paniwalang content at alisin ang maling impormasyon bago ang Mayo 2022 na botohan sa Pilipinas, sinabi ng tech giant nitong Martes. Mula Pebrero 2021 hanggang Enero 2022, inalis ng YouTube ang mahigit 400,000 video…