MANILA, Philippines — Inanunsyo ng Malacañang nitong Huwebes na suspendido ang mga klase sa Metro Manila sa Biyernes, Setyembre 1, dahil sa sama ng panahon.
Suspendido rin ang trabaho ng gobyerno, maliban sa mga naghahatid ng mga pangunahing serbisyo, ani ng Palasyo.
“Dahil sa patuloy na pag-ulan na dala ng habagat, at Super Typhoons ‘Goring’ at ‘Hanna’, ang trabaho sa mga opisina ng gobyerno at sa lahat ng antas sa National Capital Region ay sinuspinde ngayon Setyembre 1, 2023,” inutos ng Palasyo sa Memorandum Circular No. 30.
Ang pagsususpinde sa trabaho sa mga pribadong kumpanya ay ipapaubaya sa mga pinuno ng mga kumpanya.
Ang Severe Tropical Hanna ay nakatakdang tumindi at maging isang bagyo sa loob ng susunod na 12 oras.