MANILA, Philippines – Sumikat ang isang vlogger at tinalo ang mga livestreaming ng mga media at footages matapos nitong akyatin ang bukana ng bulkang taal at nagsama pa ng kanyang cameraman. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pagpunta sa bukana ng taal ay lubhang napakapeligroso lalo na at nasa Alert Level 4 na ang Bulkan at nasa High Risk Zone
Ang actual footage ay kumalat na sa mga social media sites at viral na.
“Nakita po namin ‘yan. Of course, nag-aalala po kami na baka po mahikayat ang maraming tao na pumunta ng Taal Volcano Island, so napakamapanganib po nito. Kung mapapansin ‘nyo po, ‘yung atin pong kababayan ay naka-tsinelas pa…. Medyo mainit po ‘yung lupa diyan,” said Maria Antonia Bornas, chief of the Phivolcs Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division, in a press briefing on Friday morning, January 24.
Bornas said the man was along the Daang Kastila Trail, not at Taal’s main crater itself.
“‘Yung dinaanan niya po ay ang Daang Kastila, ito po ngayon ay binabaybay ng isang malaking fissure…. Meron pong nabuo o nahulma na explosion pit diyan, at dito po sa explosion pit, maaari po tayong magkaroon ng biglang pagputok,” she said.
“Kasama na rin po dito ang posibilidad na magkaroon po ng biglang pagputok ng bulkan na maaari pong ikamatay at hindi matakbuhan,” she added.
Nagbigay ng babala ang puwersa ng kapulisan na huhulihin nila ang lahat ng makikitang magpupumilit umuwi o pupuslit sa mga lockdown check points habang ang bulkan ay nasa High Risk Zone!